Ngayong Disyembre 24 ay mayroong 48 aktibong kaso ng COVID-19 sa UP Diliman at Barangay UP Campus. Makikita ang mga purok o komunidad sa UP Campus kung nasaan ang mga aktibong kaso sa mapang kasama sa stat report. Ang mapa ay gawa ng Special Committee ng UP Diliman COVID-19 Task Force.
Manatili tayong maging maingat upang tuloy-tuloy na maibaba ang bilang ng mga aktibong kaso.
Sa pagdiriwang natin ng Kapaskuhan, huwag sana nating kalimutan na ang banta ng COVID-19 ay nananatili pa rin.
Ipinapaalalahanan ang lahat na manatili tayong ligtas at iwasan muna natin ang pagdaraos ng office parties at mga pagtitipon-tipon. Sa ngayon, hinihikayat ang lahat na ipagdiwang ang Pasko sa birtuwal na paraan.
Kung talagang kinakailangang magdaos ng party, reunion at pagtitipon, limitahan natin ito sa ating pamilya o sambahayan, at mahigpit na sundin ang mga pangkalusugang protokol.
Nawa’y alagaan ang ating mga sarili at mga mahal sa buhay. Huwag nating kaligtaang sumunod sa mga protokol pangkalusugan – magsuot ng face mask at face shield, ugaliing maghugas ng mga kamay at panatilihin ang physical distancing.
Sa ating pagkakaisa, malulutas ang problema.