Ang pagpapamalas ng dangal ay walang pinipiling lugar at walang pinipiling panahon. Sa lungsod ng Maynila at bayan ng Los Baños sa Laguna nagsimula ang paglilingkod ng Unibersidad ng Pilipinas noong taong 1908 bunga ng panukala ni W. Morgan Schuster sa bisa ng Act No. 1870. Gayundin, naging isang autonomous na yunit ang Unibersidad ng Pilipinas Diliman noong 1983 o tatlumpu’t apat na taon matapos ilipat ang Oblation mula Padre Faura patungong Diliman noong 1949. Sa pagdaan ng panahon, mababakas sa kasaysayan ang panata ng UP na manguna sa pagbibigay ng kasanayan sa pagtuturo, pananaliksik at paglilingkod sa bayan. Ang walang hanggang puwang at lawig na tungkuling magbigay serbisyo ang naging pinaka-tunguhin rin ng pamantasan – tungo sa pagiging maringal, at maging aktibo sa mga akto ng paghahandog o pagbabalik din naman ng dangal sa mga nag-udyok ng panatang ito.
Inspirasyon ng Linggo ng Parangal 2019 ang Bulwagan ng Dangal, isang linya mula sa UP Naming Mahal, mula sa titik ni Teogenes Velez at musika ni Nicanor Abelardo, Pambansang Alagad ng Sining para sa Musika. Ang Unibersidad ng Pilipinas Diliman ay isang bukas na bulwagan – malawak at malalim na espasyong tumatanggap at nagbibigay, daluyan ng paglilimi, at lagusan ng mga diwa ng paglilingkod.
Ikinararangal sa gayon ng UP Diliman ang pagkakahirang sa mga kapuwa iskolar ng bayan bilang mga Pambansang Alagad ng Sining! Bibigyang pugay sina Lauro “Larry” Alcala (Sining Biswal), Amelia Lapeña Bonifacio (Teatro), Raymundo “Ryan” Cayabyab (Musika), Eric de Guia na kilala rin bilang “Kidlat Tahimik” (Pelikula) at Resil Mojares (Panitikan). Itatampok sa programa ang mga pagtatanghal ng kanilang mga likha na tila baga naging sisidlan na nagsasadiwa ng husay ng pamantasan.
Sila rin ang aakay sa mga paparangalan ng pamantasan ngayong taong 2019. Sasamahan nila ang mga retirado, mag-aaral, REPS, kawani at guro na nagpamalas din ng dangal kahit saan at kahit kailan.
Seremonya ng Pagbubukas
Pagkilala at Pagpupugay sa mga 2018 Pambansang Alagad ng Sining ng UP Diliman at Pagdiriwang ng ika-111 taon ng Unibersidad ng Pilipinas
Hunyo 18, 3:30 n.h., University Theater
Program
Photo gallery
Chancellor’s International Reception
Hunyo 18, 6:00 n.g., Ang Bahay ng Alumni
Photo gallery
Parangal sa Mag-aaral
Hunyo 19, 1:00 n.h., University Theater
Program
Photo gallery
Parangal sa mga Retirado at 2018 Gawad Paglilingkod
Hunyo 20, 2:00 n.h., GT-Toyota Auditorium
Program
Photo gallery
Gawad Tsanselor 2019
Hunyo 21, 2:00 n.h., Institute of Biology Auditorium
Program
Photo gallery