Home | COVID-19 Info | UPD Initiatives | Donate | Hotlines |
Bulletin | Advisories | UP Memos | Learn Online | MECQ Guidelines |
UPD-Bulletin-2020-21
Noong Mayo 27, 2020, may dalawang kumpirmadong kaso ng COVID-19 sa Areas 1 at 2. Naka-isolate na sila at natukoy na rin ang kanilang mga nakasalamuha at pinayuhan nang sumailalim sa quarantine nang hindi bababa sa 14 na araw. Ang UP Health Service at UP Diliman COVID-19 Task Force ay mahigpit na tinututukan ang sitwasyon.
Ang lahat ng mga kasapi ng komunidad ay pinapayuhang maging maingat at patuloy gawin ang mga itinakdang hakbang ukol sa pampublikong pangkalusugan: ang paghuhugas ng kamay, disinfection, pisikal na pagdidistansiya at tamang paraan ng pag-ubo.
Labanan natin ang pagkalat ng COVID-19 sa ating komunidad.
Nananawagan ang UPD na pairalin ang malasakit at pang-unawa at mariing tinututulan ang diskriminasyon laban sa mga may COVID-19, healthworkers at frontliners.