Notices

UPD-Bulletin-2020-15

Home COVID-19 Info  UPD Initiatives   Donate   Hotlines 
Bulletin Advisories   UP Memos   Learn Online   MECQ Guidelines 

UPD-Bulletin-2020-15

Minamahal naming Kasapi ng Komunidad ng UP Diliman,

Malungkot na ibinabalita ng UPD COVID-19 Task Force na isang lalaking residente ng J.P. Laurel Street sa Area 2 ay pumanaw ngayong araw, Abril 5, 2020 dakong 3:30 n.u. Siya ay isinugod ng kanyang mga kaanak sa UP Health Service (UPHS) at idineklarang dead-on-arrival ng naka-duty na doktor sa ER.

Ang pasyente ay isang OFW na umuwi sa bansa noong Marso 20, 2020. Siya ay nagkalagnat at LBM ilang araw matapos siyang dumating. Bagama’t nag-isolate siya ng sarili pagkauwi niya, hindi niya ni-report ang kalagayan ng kanyang kalusugan sa UPHS o maging sa Barangay Health Emergency Response Team (BHERT) para ma-monitor.

Bagama’t hindi siya nasuri para sa COVID-19, ang pasyente ay ikinonsiderang PUI dahil sa kanyang mga sintomas at kasaysayan ng pagbiyahe. Lahat ng kanyang nakasalamuha ay pinapayuhang sumailalim sa home quarantine sa loob ng 14 na araw at imo-monitor ng Public Health Unit ng UPHS.

Sang-ayon sa payo ng Quezon City Edpidemiology and Surveillance Unit at DRRMO, ang kanyang katawan ay ike-cremate ngayong araw ding ito.

Makakaasa kayong sinusunod ng UPHS ang mga itinakdang protocol sa paghawak at pagtugon sa mga posibleng kaso ng COVID-19. Ang Unibersidad ay mahigpit na sinusubaybayan ang mga pangyayari sa loob ng komunidad at ginagawa ang mga kaukulang hakbang upang masigurado ang kaligtasan ng lahat.

Pinapaalala namin sa mga kasapi ng komunidad ng UP Diliman na agad ibalita sa UPHS ((02) 8 981 8500 local 111 o 0947 427 9281) o sa BHERT ((02) 8 426 9779 o 0908 208 2142) kung kayo ay nakararanas ng sintomas upang kayo ay ma-monitor nang maayos habang kayo ay naka-isolate.

Mabagsik po ang COVID-19 pero kayang-kaya nating itong labanan. Manatiling may-alam, matatag, at ligtas. #KapitDiliman!

  • Share:
Tags: