Home | COVID-19 Info | UPD Initiatives | Donate | Hotlines |
Bulletin | Advisories | UP Memos | Learn Online | MECQ Guidelines |
UPD-Bulletin-2020-13
Minamahal naming Kasapi ng Komunidad ng UP Diliman,
Ang UP Health Service ay nananatiling bukas upang magbigay-serbisyo sa komunidad at aasikasuhin ang mga pasyenteng may dinaramdam o maysakit, o mayroong sintomas na kaugnay sa COVID-19 habang ipinatutupad ang enhanced community quarantine (ECQ) sa kampus.
Ang mga sumusunod ay bukas na serbisyo ng UPHS:
1) Emergency Room (8981-8500 loc 111) / Ambulance Service (loc 110) – Lunes-Linggo, 24 oras
2) Outpatient (Konsultasyon para lang sa mga maysakit) – Lunes -Biyernes, 8 n.u. – 5 n.h.
3) Pharmacy (loc 2707) – Lunes – Sabado, 8 n.u. – 5 n.h.
4) X-ray (loc 2710) – Lunes – Biyernes, 8 n.u. – 5 n.h.
5) Medical Laboratory (loc 2705) – Lunes – Sabado, 8 n.u. – 5 n.h.
Para sa mga outpatient na nais magpakonsulta, mag-email sa uhs.updiliman@up.edu.ph kalakip ang pangalan, edad, tirahan, maikling salaysay ng dinaramdam o kondisyong medikal, at isulat lamang sa subject line ng email ang Outpatient Consultation. Ang kawani ng UPHS ay agad tutugon sa inyo at magbibigay-payo kung kinakailangan pa rin ninyong pumunta nang personal. Ang inyong reseta ay maaari ring ipadala sa inyong email address.
Kung kayo ay tatawag, mangyari lang na gawing maiksi at malinaw upang mas marami pang pasyente at kliyenteng maseserbisyuhan ang UPHS. Maraming salamat.