Tatag UP

UP Diliman Modified Enhanced Community Quarantine Guidelines

 

Home COVID-19 Info  UPD Initiatives   Donate   Hotlines 
Bulletin Advisories   UP Memos   Learn Online   MECQ Guidelines


Mga Alituntunin sa Modified Enhanced Community Quarantine (Aug. 4-18, 2020)

 

Alinsunod sa Modified Enhanced Community Quarantine (MECQ), ipatutupad ng UP Diliman (UPD) ang mga sumusunod na alituntunin:

  1. Ang kampus ay isasarado sa publiko. Ngunit, ang mga may mahahalagang pakay sa unibersidad ay makakapasok sa kampus. Ang mga gate sa University Avenue, Magsaysay St. at Jacinto St. ay bukas mula ika-5 n.u. hanggang ika-8 n.g. Limitado ang mga papayagang makadaan sa University Avenue sa oras ng curfew.
  2. Ang mga opisina, maliban sa mga gumaganap ng mahahalagang tungkulin, ay sarado. Ang mga mananatiling bukas ngunit limitado ang kapasidad ay ang mga sumusunod: OVCCA (UP Health Service, Campus Maintenance Office, Public Safety and Security Office at DEMO); OVCA (Accounting Office, Budget Office, Cash Office, HRDO, PABX at SPMO); OVCSA (UFS at Office of Student Housing); OVCPD (OCA at Balay Kalinaw); OVCAA (Office of the University Registrar); at UP Diliman Information Office.
  3. Ang mga namumuno ng mga yunit ay hinihiling na ipatupad ang work from home arrangement sa mga kawani at alternative work arrangements sa mga kawani ng agency.
  4. Ang mga laboratoryo at pasilidad para sa health workers ay mananatiling bukas. Ito ay ang Philippine Genome Center at UP NISMED.
  5. Ang swabbing services ay patuloy na gagawin ng UP Health Service.
  6. Ang mga residente ng kampus ay hinihikayat na huwag lumabas ng kampus maliban na lang sa mahahalaga at kritikal na lakad.
  7. Ang mga pagtitipon sa pook/purok, tulad ng mga party, videoke, inuman at panggrupong isports, ay hindi rin hinihikayat at imo-monitor ng SSB. Ang maayos na pagsusuot ng face mask at physical distancing ng mga residente sa mga pampublikong espasyo/food stall ay imo-monitor.
  8. Ang mga delivery ng pagkain at mahahalagang bagay ay pinahihintulutan.

9. Upang ma-maximize ang panahon ng MECQ, ang mga kawaning nagtatrabaho sa kanilang mga tahanan ay pinapayuhang sundin ang quarantine at huwag lumabas sa mga panahong ito maliban na lang kung kinakailangan tulad ng pagbili ng mahahalagang pagkain at mga kagamitan.