Likas at di-maiiwasan ang magdaan sa pagbabago. Kung minsan ay dikanais-nais, subalit kadalasan ang pagbabagong pinagdaraanan ay tungosa ikaaangkop, ikauunlad, ikabubuti.
Sa taong ito, ipagdiriwang ng UP Diliman ang Linggo ng Parangal sa ilalim ng temang “Banyuhay,” halaw sa pariralang ‘bagong anyo ng buhay’, o metamorphosis. Patuloy na inuukit ng oras ang kasaysayan ng ating bansa. Pabagu-bago ang larawan ng lipunang iginuguhit ng pagkakataon. Ang proseso ng pagbabago sa pamamagitan ng dinamikong pag-uugnayan kasabay ng pakikiangkop ang nagbibigay-buhay sa Unibersidad, alangalang sa ikalalago, ikayayabong at ikatitibay nito.
Walang-kapaguran mang idinudulot ng paglipas ng panahon ang malalaki at maliliit na pagbabago, hindi pa rin kumukupas ang kasigasigan ng Unibersidad sa paglilingkod at pagtuklas ng mga kaalamang magpapabago sa sambayanan tungo sa ikaiinam nito.
Seremonya ng Pagbubukas 2017
Abril 24, 6 n.g., UP Lagoon
Parangal para sa Programang Pang-ekstensiyon 2017
Abril 25, 9 n.u., Malcolm Theater, College of Law
Parangal sa mga Retirado 2017 at 2016 Gawad Paglilingkod
Abril 26, 2 n.h., GT-Toyota Auditorium, Asian Center
Parangal sa Mag-aaral 2017
Abril 27, 2 n.h., University Theater
Gawad Tsanselor 2017
Abril 27, 6 n.g., Auditorium, Institute of Biology