Paglagong inaasam, hamon at inspirasyon
Sa katatapos na Gawad Tsanselor 2024, ibinahagi ni UP Diliman (UPD) Tsanselor Edgardo Carlo L. Vistan II na “nawa ang paglagong ating inaasam ay magsilbing hamon at inspirasyon sa atin.” Aniya, ito ay isang hamon “sapagkat kinakailangan nating magpatuloy hangga’t mayroong Pilipinong dumaranas ng hindi patas na pagtrato sa lipunan; isang hamong magpapaalala sa atin […]