Notices

UPD Bulletin 2020-6

Home COVID-19 Info  UPD Initiatives   Donate   Hotlines 
Bulletin Advisories   UP Memos   Learn Online   MECQ Guidelines 

 

UPD Bulletin 2020-6

Nais naming magpasalamat sa mga UP Diliman student volunteers sa pangunguna ng University Student Council at ng Opisina ng Rehente ng mga Mag-aaral na nagsasagawa ng kampanya para sa mga donasyon para sa mga nagdodormitoryo sa kampus, mga drayber, mga manininda, mga security guard at mga residente na lubhang naapektuhan ng Enhanced Community Quarantine.

Ang mga donasyong pagkain, bottled water at iba pang mga pangangailangan ay maaaring dalhin sa Sampaguita Residence Hall Lobby. Tingnan ang mga detalye ukol sa mga donasyon na pera sa bit.ly/IskoOps.

Nangangailangan din ng mga boluntaryo na tutulong sa packaging at distribusyon ng mga donasyon. Nagpapasalamat kami sa lahat para sa inyong kagandahang-loob sa gitna ng pagsubok na ito.

Manatiling ligtas sa pamamagitan ng pagsasagawa ng mga minungkahing paraan ng pag-iingat tulad ng paghuhugas ng kamay at social distancing.

Makakaasa kayong may kaukulang pag-iingat, tulad ng sanitasyon para sa mga kamay at sapat na social distancing, para sa kaligtasan ng mga boluntaryo. Limitado rin ang mga taong itatalaga upang maghahalinhinan para sa repacking at distribusyon.

Para sa mga karagdagang detalye ukol sa proyektong ito, maaari ninyong bisitahin ang Facebook page ng UP Diliman University Student Council sa https://www.facebook.com/USCUPDiliman/

  • Share:
Tags: