Home | COVID-19 Info | UPD Initiatives | Donate | Hotlines |
Bulletin | Advisories | UP Memos | Learn Online | MECQ Guidelines |
UPD-Bulletin-2020-22
Alinsunod sa anunsiyo na ang National Capital Region ay isasailalim na sa General Community Quarantine (GCQ), sisimulan na ng UP Diliman ang pagpapatupad ng post-ECQ guidelines (o mga alituntunin pagkatapos ng ECQ) na ipinalabas sa pamamagitan ng Administrative Order No. FRN-20-052 (https://upd.edu.ph/post-ecq/).
Pinapayuhan ang lahat ng tagapangulo ng mga yunit na magpatupad ng mga angkop na alituntunin sa kani-kanilang yunit, alinsunod sa Post-ECQ Guidelines ng UPD at ng GCQ Guidelines ng pambansang pamahalaan.
Pakitandaan na sa unang linggo ng GCQ, ang mga pangunahing kawani na nakatira sa loob ng kampus o iyung mayroong mga sariling sasakyan lamang ang maaaring pumasok sa trabaho.
Pinapayuhan namin ang lahat na patuloy gawin ang mga itinakdang hakbang pangkalusugan: ang mandatoryong pagsusuot ng mga mask, paghuhugas ng kamay, mahigpit na pagpapatupad ng pisikal na pagdidistansiya at tamang paraan ng pag-ubo.