Home | COVID-19 Info | UPD Initiatives | Donate | Hotlines |
Bulletin | Advisories | UP Memos | Learn Online | MECQ Guidelines |
UPD-Bulletin-2020-17
May mga kumakalat na balita ngayon sa social media tungkol sa grupo ng mga stranded na construction worker sa loob ng kampus ng UPD na diumano ay napilitan nang kumain ng mga ligaw na hayop at prutas mula sa mga puno sa kampus dahil sa labis na pagkagutom.
Direktang kinausap ng Office of the Vice Chancellor for Planning and Development (OVCPD) ang mga trabahador at nadiskubreng hindi naman sila kinakapos sa pagkain, sa halip ay nabigyan na ng P4,000 na ayuda noong Marso 17 at P2,000 noong Abril 14 ng kanilang employer. Ininspeksiyon din ng OVCPD ang kanilang supply room na naglalaman ng tatlong sakong bigas (25 kilo ang bawat isa) at mga delata mula sa All UP Workers Union at iba pang organisasyon sa loob ng kampus.
Ayon sa mga trabahador, nagulat na lang sila noong nag-viral ang ulat, dahil ang mga larawan ay kuha ng grupo ng mga tao na pumunta sa site upang mamahagi ng relief goods, ngunit hindi sila ininterbyu o tinanong tungkol sa kanilang sitwasyon. Para sa buong balita, mag-email lamang sa OVCPD sa ovcpd.upd@up.edu.ph.
Makaaasa kayong ginagawa ng UPD COVID-19 Task Force ang lahat upang matugunan ang mga pangangailangan ng lahat ng sektor sa UP Diliman.
Sa panahong ito ng walang-katiyakan dulot ng pandemya, walang lugar sa pagkabalisa at fake news. Ang mga ahensiya ng media ay dapat na maging responsable sa pagbabalita at ang mga mamamayan ay dapat beripikahin muna ang mga balita bago ito i-share sa social media.
Kung nais ninyong tumulong sa pamamagitan ng cash donation, i-deposito lamang ito sa mga sumusunod na account:
GCash and Paymaya: 09167654695
Paypal: paypal.me/tieronesantos
BPI: 9239 4326 43/Marco Giorgione A. Dava
GoGetFunding: https://gogetfunding.com/fundraiser-for-upds-maninindas-an…/
Paki-email ang kopya ng deposit slip/online transaction kay sa ovcpd.upd@up.edu.ph. Banggitin din kung ano ang mga item (alkohol, bigas, de lata) na nais ninyong maibili mula sa inyong donasyon