Home | COVID-19 Info | UPD Initiatives | Donate | Hotlines |
Bulletin | Advisories | UP Memos | Learn Online | MECQ Guidelines |
UPD-Bulletin-2020-16
Minamahal na Kasapi ng Komunidad ng UP Diliman,
Malungkot na kinukumpirma ng UPD COVID-19 Task Force ang pagkamatay ng isang babaeng residente ng San Roque Street sa Pook Dagohoy. Ang 82 taong gulang na pasyente ay dinala ng Barangay Health Emergency Response Team (BHERT) sa Quirino Memorial Medical Center (QMMC) noong Abril 1, 2020 sa pananakit ng tiyan at may dugo sa dumi. Siya ay namatay rin noong araw na iyon, at ang swab sample na ginamit sa pagsusuri ay nakuha pagkamatay nito. Siya ay kumpirmadong nagpositibo sa COVID-19 ngayong araw na ito, Abril 6.
Ang Public Health Unit (PHU) ng UP Health Service at BHERT ay nakikipag-ugnayan para sa isolation at pagmo-monitor ng di bababa sa 14 araw ng lahat ng nakasalamuha ng namatay.
Ang Unibersidad ay mahigpit na minomonitor ang mga pangyayari sa loob ng komunidad. Sikapin nating ipalaganap lamang ang mga beripikadong impormasyon, at tulungan ang PHU at BHERT sa patuloy na implementasyon ng mga patnubay ukol sa wastong kalinisan, behavioral etiquette at physical distancing ngayong panahon ng enhanced community quarantine.
Mabagsik po ang COVID-19 pero kayang-kaya natin itong labanan. Manatiling may-alam, matatag, at ligtas.