Home | COVID-19 Info | UPD Initiatives | Donate | Hotlines |
Bulletin | Advisories | UP Memos | Learn Online | MECQ Guidelines |
UPD-Bulletin-2020-12
Kahapon, Marso 30, kinumpirma ng Quezon City Epidemiology Surveillance Unit (QC-CESU) na may isang positibong kaso ng COVID-19 sa Barangay UP Campus. Ang pasyente ay naospital noong Marso 13 at namatay ng sumunod na araw.
Dahilan sa dumiretso ang pasyente sa isang pribadong ospital, ang kasong ito ay hindi kabilang sa mga minomonitor ng UP Diliman Health Service (UPHS) at UP Campus Barangay Health Emergency Response Team (BHERT).
Ang resulta ng pagsusuri sa pasyente ay naberipika lamang nitong Marso 30 kung kaya’t huli na itong naitala sa opisyal na bilang ng kaso ng at mga namatay sa COVID-19 sa Quezon City.
Ayon sa QC-CESU, lahat ng mga nakasalamuha ng pasyente ay na-trace, na-monitor, at nakakumpleto ng kanilang home quarantine noong Marso 28. Hindi sila kinakitaan ng anumang sintomas kung kaya’t hindi sila kinailangang maospital.
Tinitiyak ng Opisina ng Bise Tsanselor para sa Gawaing Pangkomunidad sa komunidad ng UP Diliman na patuloy ang pagmo-monitor ng UPHS, sa pakikipag-ugnayan sa BHERT at QC-CESU, sa lahat ng PUI at PUM sa kampus.