Ngayong Enero 7, mayroon na lamang 6 na aktibong kaso ng COVID-19 sa UP Diliman at Barangay UP Campus. Ang mga purok o komunidad sa UP Campus kung nasaan ang mga aktibong kaso ay nasa mapang kasama sa stat report na gawa ng Special Committee ng UP Diliman COVID-19 Task Force.
Patuloy ang pagbaba ng mga aktibong kaso dahil sa ating pagtutulungan.
Ngayong Enero, tandaan natin na hindi pa rin tapos ang laban kontra sa COVID-19. Kailangan ang patuloy na pag-iingat dahil hindi pa rin po normal ang sitwasyon. Mahigpit pa ring sundin ang mga pangkalusugang protokol – magsuot ng face mask at face shield, ugaliing maghugas ng mga kamay at panatilihin ang physical distancing. Nawa’y alagaan natin ang ating mga sarili at mga mahal sa buhay.
Huwag mawawalan ng pag-asa. Sa ating pagkakaisa, bubuti rin ang sitwasyon at malalagpasan natin ang COVID-19.