Bulletin

UP Diliman COVID-19 Task Force Weekly Report (28 July 2022)

Ngayong Hulyo 28, mayroong 15 aktibong kaso ng COVID-19 sa UP Diliman at Barangay UP Campus batay sa stat report na gawa ng Special Committee ng UP Diliman COVID-19 Task Force.

Mariing ipinapaalala sa lahat na pangalagaan ang ating mga sarili at patuloy na sundin ang mga pangunahing pangkalusugang protokol tulad ng pagsusuot ng face mask, paghuhugas ng mga kamay, at pagpapanatili ng physical distancing. Sa mga hindi pa nababakunahan at sa mga maaari nang tumanggap ng booster shot laban sa COVID-19, makipag-ugnayan lamang sa lokal na pamahalaan hinggil sa iskedyul ng pagbabakuna bilang dagdag na proteksyon laban sa panganib dulot ng COVID-19.