Ang kahalagahan ng tao at ng ginhawa nito ang binigyang-diin sa nakaraang webinar ng Opisina sa Pagpapaunlad ng Yamang Tao (Human Resource Development Office; HRDO) na “2021 Ginhawa sa Panahon ng Pandemya: Enhancing Mental Health and Well-being Workshop,” (Ginhawa) noong Set. 8.
Sa pangangasiwa ng HRDO Training Section, ang webinar ay matagumpay na naidaos kung saan dumalo ang mahigit sa 60 kawaning mula sa iba’t ibang akademiko at administratibong yunit.
Ayon kay Prop. Arthur A. Gonzales III, PhD, pangalawang direktor ng HRDO, sa kanyang pahayag sa mga lumahok sa webinar, “Napakaimportante ng tao, at gusto natin i-maintain ang wellness ng tao, second na lang po ang efficiency and productivity.”
Kanyang naibahagi na ang programang Ginhawa ay isa sa mga intervention na isinasagawa ng HRDO para sa yamang-tao ng UP Diliman (UPD) sa “panahong ito na kailangan din po ng empathy, ng pagmamalasakit sa mga pinagdaraanan ng ating mga kasama, at sa sitwasyon na may pangangailangan ang mga nagde-deliver ng service sa ating mga client, we [HRDO] develop strategies kung paano mas matutugunan ang mga pangangailangan nila.”
Ang Ginhawa ay isang tugon ng HRDO sa panawagan ng Opisina ng Tsanselor (Office of the Chancellor; OC) na itaguyod ang mental health at psychological well-being sa kampus. Nilalayon ng Ginhawa na makabuo ng kultura ng wellness sa mga opisina sa UPD.
Kasama bilang mga tagapagsalita ang mga eksperto mula sa UPD Psychosocial Services (PsycServ) na sina Dr. Violeta Bautista, direktor ng PsycServ, at Dr. Divine Love Salvador.
Ipinaliwanag ni Bautista na taliwas sa mga naiisip ng karamihan sa mga kawani ng UPD na ang kanilang nararanasan ay di normal na reaksyon sa pandemya, sa katotohana’y normal na reaksyon ang mga ito.
Stress reactions. “They are not going crazy. Many of them are actually evidencing what we refer to as seemingly abnormal but actually are normal reactions to the pandemic (halimbawa ay nerbiyos sa hinaharap, kawalan ng kasiguraduhan sa buhay, stress sa pag-a-adjust sa pagbabago, takot sa kawalan ng pera at trabaho, kabagutan at kalungkutan, frustration sa lack of productivity), we call them stress reactions,” ani Bautista.
Ayon kay Bautista, sa hirap ng pinagdaraanan ng mga tao sa kasalukuyan, kasama na rin ang kalikasan ng pandemya, normal na makaranas ng masidhing emosyon sa mga mahihirap na sitwasyon.
Normal man ang stress reactions ngayong pandemya, ipinunto ni Bautista na isang hamon sa kanilang nasa larangan ng mental health na mapigilan ang mga stress reaction na maging seryosong kondisyon.
“For instance, kalungkutan, loneliness is a normal experience, but through our lifestyle, we can prevent the development of loneliness, sadness, into a more complex and serious condition like major depressive disorder,” ani Bautista.
Ipinaliwanag din niya kung ano ang ginhawa.
Aniya, “Ginhawa is the local term for total well-being or mental health…. Ginhawa or mental health is about having positive attitudes and emotions, the capacity to live a full and creative life, to connect meaningfully, to contribute to society, and to thrive even against all odds.”
Ginhawa at mga pananaw. Ipinarating naman ni Salvador ang bagong pananaw ukol sa pandemya.
“Isang mahalagang ideya na nais naming iparating ay itong pandemya ay parang isang regalo, it’s just that the gift wrap comes in the form of a crisis,” saad ni Salvador.
Ano nga ba ang nasa regalong ito?
“Ito ay ang mga pagkakataong matuto tayo nang mas mahusay o mas mabisang coping and management sa ating buhay, and in fact, posible tayong matuto ng mas creative na pamamaraan ng pagtatrabaho, pag-aaral, pamumuhay at pakikipag-ugnayan sa bawat isa,” ani Salvador.
Ibinahagi rin ni Salvador ang mga mekanismo upang makayanan ang kinakaharap na mga pagsubok.
“How to flourish in the face of uncertainty and unpredictability?” Ayon kay Salvador, “Stay focused on the present and what is in front of you. Make room for mistakes in your plan, don’t judge mistakes, (whether) yours or others.”
Pinaalalahanan din niya ang lahat na matutong tanggapin ang mga bagay na hindi nila kontrolado.
“Let’s remind ourselves that everybody has limited time and limited resources,” ani Salvador.
Samantala, inilahad ni Gonzales ang plano ng HRDO para sa mas malawak at pangkalahatang sesyon para sa mga kawani ng UPD.
“Sana po ay maipagpatuloy namin ito at ma-institutionalize ang mga ganitong intervention na may general at direct na pagtulong sa ating UPD employees para rin po makatugon at makasabay sa mga pagbabago lalo na ngayong panahon ng pandemya na parang necessity is the mother of intervention ika nga,” aniya.
Nagbigay din ng mga mensahe para sa mga lumahok sina UPD Tsanselor Fidel R. Nemenzo at Bise Tsanselor para sa Administrasyon Adeline A. Pacia.
Ang susunod na webinar ukol sa ginhawa ay ang “Learning to be a Lifeline: Basic Skills Workshop on Psychosocial Support to Staff” na magaganap sa Okt. 7 at 8, 1 hanggang 4 n.h.