Campus

Paalam, Sir Jong

Nakikiramay ang komunidad ng UP Diliman (UPD) sa mga naiwang pamilya ni Nestor G. Manrique Jr. na pumanaw nitong Oktubre 17.

Manrique. Imahe mula sa Facebook page ng NISMED

Si Manrique ay naglingkod sa Unibersidad bilang Printing Press Supervisor sa Pambansang Linangan sa Pagpapaunlad ng Pagtuturo ng Agham at Matematika (National Institute for Science and Mathematics Education Development / NISMED) mula Hunyo 2022.

“Ang kaniyang kasipagan at dedikasyon sa trabaho, masayahing disposisyon, at ang pagiging maunawain at magaang kasama sa anumang pagkakataon ay mananatili sa aming alaala.

“Bagama’t maikli lamang ang panahon ng kanyang paglilingkod sa NISMED, naging makabuluhan ang kanyang mga kontribusyon sa mga gawain at sa pagsasakatuparan ng mga layunin at adhikain ng Institute,” ayon sa Facebook page ng NISMED.

Nagtapos si Manrique ng kursong Bachelor of Science in Industrial Engineering mula sa Mapúa University noong 1989. Bago magtrabaho sa UPD, nagtrabaho si Manrique sa iba’t ibang pribadong kumpanya.

  • Share: