Malimit na sinasabing ang kahusayan ng paggawa ay yaong nilalakipan ng pag-ibig at pagmamalasakit. Ang ganitong uri ng paglilingkod ay nananatili at nagpapatuloy sa Unibersidad na may layuning magsilbi ng walang pag-iimbot sa kapakanan ng sambayanan.
Dahil dito, ang tema ng Linggo ng Parangal sa taong ito ay “Luwalhati’t Pagsinta,” hango sa linya ng Pambansang Awit ng Pilipinas. Kinikilala ng Unibersidad ang mga natatanging kasapi nito na nagpamalas ng hindi magmamaliw na pagmamahal sa gawain, kasamahan at adhikain upang magsilbing huwaran at inspirasyon ng komunidad ng UP Diliman. Ang pagmamalasakit sa paggawa ay hindi humahangga bagkus ay tumatagos sa paglilingkod sa bansa, sa kabila ng mga balakid sa pagsasakatuparan ng mithiing mapagbuti ang pamumuhay ng mga mamamayan nito.
Hindi kailanman matatawaran ang pagsintang inuukol ng mga kinakandili ng Unibersidad; gayunman, hangad ng Linggo ng Parangal na mabigyan ng kaukulang pagpupugay ang mataas na uri ng paglilingkod sa Unibersidad at sa sambayanan.
Opening Program and Chancellor’s International Reception
Program
Mayo 7, 5 n.h., UP Lagoon
Parangal sa Mag-aaral
Program
Mayo 8, 1 n.h., UP Theater
Parangal sa mga Retirado 2018 at 2017 Gawad Paglilingkod
Program
Mayo 9, 2 n.h., GT-Toyota Auditorium, Asian Center
Gawad Tsanselor 2018
Program
Mayo 11, 2 n.h., Awditoryum, Linangan ng Biyolohiya