Calendar of Events
Makibahagi sa “Karadiyaan: Talakayan-Palihan sa Sayaw, Awit, Musikang Tëduray at Lambangian” sa Mayo 13, 10 n.u.–12 n.h., sa Mini Hall ng UP Diliman Kolehiyo ng Musika.
Makakasama sa programa si Timuay Alim M. Bandara, tagapangalaga ng kulturang Tëduray, at ang kanyang grupo.
Upang makilahok, magrehistro lamang sa pamamagitan ng pag-scan sa QR code na nasa larawan.
Ito ay handog ng Kolehiyo ng Musika at ng Departamento ng Komunikasyong Pasalita at Sining Panteatro. Bahagi ito ng programang “Suwala Sëkëlungon: Tinig at Talinghaga ng mga Dunong Tëduray at Lambangian” sa ilalim ng Programang Pagpapamana ng Dunong Katutubo mula sa mga Tagapag-ingat ng Kaalamang-Bayan (Culture Bearers-in-Residence Program) ng Opisina ng Tsanselor, at sa pagtataguyod ng Kolehiyo ng Arte at Literatura.