HIMIGSIKAN

Malugod na iniimbitahan ang lahat na manood ng HIMIGSIKAN sa Pebrero 23, 2020 (Linggo), 5 ng hapon, sa UP Carillon Plaza. Bilang bahagi ng UPD Arts and Culture Festival 2020 na may tema na Makita Kang Sakdal Laya at komemorasyon ng First Quarter Storm, labing-isang banda ang magbibigay ng makabagong rendisyon ng musika ng pakikibaka mula dekada 70 sa isang open-air concert. Ang konsyerto ay libre para sa lahat.

Posted: February 19, 2020 14:29