Ngayong Kapaskuhan sa UP Diliman (UPD), mayroong pinapangasiwaan ang UPD Opisina ng Bise Tsanselor para sa Gawaing Pangkomunidad (Office of the Vice Chancellor for Community Affairs / OVCCA) na Christmas Expo 2023.
Ang aktibidad na ito ay kasalukuyang ginaganap sa bahagi ng Roces Avenue, pagitan ng Osmeña at Roxas Avenue sa UPD.
Ayon sa OVCCA, ang Christmas Expo 2023 ay naglalayong ipaalam o ipalaganap ang iba’t ibang produktong gawa o ibinebenta ng mga miyembro ng Unibersidad.
Kalahok sa expo ang 18 tolda na may panindang artisanal products, art craft, at iba pa. Samantala, mayroon ding 12 tolda na may panindang mga pagkain at inumin.
Mayroon ding service booth ang UP Health Service upang magbigay ng libreng serbisyo para sa HIV testing and counseling, libreng pagkuha ng blood pressure, at konsultasyon ukol sa nutrisyon (1-5 n.h.). Magkakaroon din ng libreng ABI (ankle brachial index) test mula Disyembre 19 hanggang 20 (8 n.u.-12 n.t.).
Nagsimula ang Christmas Expo 2023 noong Disyembre 18 at mananatili hanggang Disyembre 21.