UPD-Bulletin-2020-28
Simula sa Hulyo 15, 2020, muling magbubukas ang UP Health Service (UHS) para sa mga pasyenteng mangangailangan ng kanilang serbisyo. Kasama dito ang Emergency Medical Services, COVID-19 Triage or Screening Services at Flu Vaccination para sa komunidad. Maliban dito, tuluy-tuloy pa rin ang kanilang Telemedicine.
Ang numero para sa
Ambulansya: 8981-8500 loc. 111
Pagpapabakuna: 0947-4279281
Telemedicine: 8981-8500 loc. 2702
uphs.appointlet.com (para sa General OPD)
uphs-specialist.appointlet.com (para sa Specialty Clinics)
Sa nakaraang dalawang linggong sarado ang UHS, tiniyak na ang lahat ng ating health workers at staff ay nakapag-quarantine na ng 14 na araw alinsunod sa DOH protocol at mungkahi ng UP-PGH. Gumaling na rin ang lahat ng 15 na nag-positibo sa kanila, pati na rin ang tatlong security guards na naka-duty sa UHS at Kanlungang Palma.
Bilang paghahanda sa pagbubukas ng UHS, ang pasilidad ay nilinis at na-disinfect na. Magpapatupad din ng mga dagdag na safety protocols sa pasilidad upang tiyakin ang kaligtasan ng ating health workers at lahat ng magpapakonsulta. Ipagpapatuloy ang monitoring sa operasyon ng UHS sa mga susunod na panahon.
Samantala, mananatiling sarado ang Kanlungang Palma. Maghintay lamang sa anunsyo tungkol sa pagbabalik ng swabbing services ng UHS.
Hinihikayat ang komunidad na magpaabot ng kanilang mungkahi o tanong sa UP Diliman COVID-19 Task Force (covid19.taskforce@upd.edu.ph). Makakatulong ang inyong feedback para sa pagpapahusay ng ating pagtugon sa pandemya.