Campus

UP Diliman Seremonya ng Pagtataas ng Bandila ng Pilipinas – 4 Hulyo 2022

Ngayong Lunes, Hulyo 4, 8 n.u., panoorin ang birtuwal na seremonya ng pagtataas ng bandila ng Pilipinas sa UP Diliman (UPD).

Pakinggan ang mensahe ni Pambansang Alagad ng Sining para sa Musika Ramon P. Santos bilang pagpupugay sa kahalagahan ng bandila, pagpaparangal sa mga bagong Pambansang Alagad ng Sining mula sa UPD, at hamon para sa makatarungang pagbabago.