- Ang College of Science Oval (CS Oval) ay ibubukas na sa mga residente ng Barangay UP Campus. Ang “pagbubukas” ng CS Oval ay dalawang linggong trial.
- Ang pagbubukas ng CS Oval ay nangangahulugan na ang mga residente ay puwede nang gumawa ng kanilang de-stressing activities o ehersisyo (paglalakad, jogging, pagtakbo, yoga, stretching, at tai-chi lamang) mula Agosto 25, 2020 (Martes) sa paligid ng CS Oval at mga kalapit na pampublikong lugar. Subalit ang mga gusali ay mananatiling sarado sa publiko.
- Ang mga panggrupong aktibidad na may hanggang 10 katao lamang ay papayagan tulad ng yoga, stretching at tai-chi.
- Ang daloy ng trapiko ng mga ehersisyo (hal. paglalakad, jogging at pagtakbo) ay ikot-pakaliwa (counterclockwise).
- Ang pagbibisikleta ay IPINAGBABAWAL.
- Papayagang pumasok ang mga residente sa CS Oval mula ika-6 n.u. hanggang ika-9 n.u. at ika-4 n.h. hanggang ika-7 n.g. Ang huling pagpasok sa CS Oval ay ika-8:30 n.u. at ika-6:30 n.g. Ang sinumang naglilibot o gumagala sa CS Oval makalipas ang ika-9 n.u. at ika-7 n.g. ay sasabihang umalis agad sa lugar.
- Papayagan lamang pumasok ang mga residente batay sa iskedyul sa ibaba:
Lunes/Miyekules/Biyernes: Mga residente ng Pook Dagohoy, Ricarte, Palaris at Areas 1, 2 at 3
Martes/Huwebes/Sabado: Mga residente ng Village A, B, C at Hardin ng Doña Aurora, Purok Aguinaldo, Hardin ng Rosas, Hardin ng Bougainvillea, Pook Amorsolo at Area 17
Linggo: Puwede sa lahat ng residente.
- Ang CS Oval ay mananatiling CARLESS. Walang PARADAHAN sa paligid ng CS Oval. Maaaring iparada ng mga residente ang kanilang sasakyan sa mga itinalagang paradahan sa kahabaan ng P. Velasquez Street.
- Ang mga residente ay kailangang mag-rehistro sa mga itinalagang pasukan bago pumasok sa CS Oval:
Unang Pasukan: P. Velasquez Street (malapit sa College of Science Library)
Pangalawang Pasukan: Malapit sa National Institute of Physics
- Ang mga residente ay dapat may dalang SMART PHONE para maka-rehistro. Sila ay kailangang sumagot ng isang health declaration form gamit ang isang QR code. Kailangang maging matapat ng mga residente sa pagsagot ng form. Ang residenteng makakakuha ng score na 1 pagkatapos ipasa ang form sa sistema (computer system) ay hindi papayagang pumasok.
- Ang mga residente ay kailangang may dalang ID o patunay na residente ng Brgy. UP Campus; kung walang dala, sila ay hindi papapasukin.
- Ang mga residente ay kailangang magdala ng kanilang sariling gamit sa ehersisyo (kung mayroon man) at hindi ito dapat ipahiram sa iba.
- Alinsunod sa IATF guidelines, ang mga sumusunod na alituntunin para sa mga pampublikong lugar ng UPD ay ipatutupad:
a. Hanggang 200 katao lang sa bawat pagkakataon ang papayagang pumasok sa CS Oval.
b. Ang mga residenteng 20 taong gulang pababa at 61 taong gulang pataas ay hindi papapasukin. Gayundin, ang mga buntis, may comorbidities (hal. uncontrolled hypertension, diabetes, cardiac/renal problems) o immunodeficiency conditions tulad ng cancer, HIV-AIDS at systemic lupus erythematosus ay hindi papayagang makapasok.
c. Ang mga residente ay dapat may dalang alkohol (70% Isopropyl o Ethyl) kapag papasok sa CS Oval; kapag wala, sila ay hindi papapasukin.
d. Ang mga residente ay dapat may dalang face mask at face shield; kapag wala, sila ay hindi papapasukin. Ang mga residente ay dapat nakasuot ng face mask SA LAHAT NG ORAS. Kung makikipag-usap sa iba, kailangang suot nila ang parehong face mask at face shield.
e. Ang pagkain ay MAHIGPIT na IPINAGBABAWAL sa CS Oval.
f. BAWAL ANG MGA PAGTITIPON sa CS Oval (hal. piknik, pagtambay at kuwentuhan).
g. Ugaliin ang physical distancing kahit habang tumatakbo – siguraduhing may anim na talampakang distansiya sa ibang tao na nagsasagawa ng kanilang de-stressing activity.
h. Bawal ang PAGDURA sa CS Oval.
i. Kung ikaw ay uubo o babahing, pumunta sa gilid ng kalsada at takpan ang iyong ilong at bibig. Siguraduhing mag-disinfect gamit ang alcohol, o kung posible, ay agad maghugas ng kamay gamit ang sabon at tubig.
j. BAWAL MAGKALAT habang nasa CS Oval.
k. Magdala ng sariling tubig para manatiling hydrated.
l. Para sa kaligtasan ng lahat, iwasang hawakan ang ibang tao at mga pag-aari ng UPD (hal. building markers, bakod ng mga gusali, mga poste ng ilaw, pampublikong sining/public art).
- TANGING ang banyo sa Computational Science Research Center ang maaaring gamitin.
- Maging mapagmatyag. Isumbong ang mga susuway sa UPD Police/SSB/mga naka-duty na guwardiya na nasa paligid ng CS Oval.
- Kung may health emergency, huwag mataranta at humingi ng tulong sa UPD Police/SSB/mga naka-duty na guwardiya.
- Pinakamainam na manatili ang mga residente sa kanilang bahay kung wala namang gagawing de-stressing activity sa CS Oval.
- Ang mga residenteng hindi mabuti ang pakiramdam ay dapat manatili sa bahay. Tandaan, ang unang linya ng depensa ay ang ating SARILI. Ang LAHAT ay pinaaalalahanan na maging responsable para sa kabutihan ng iba.
Para sa mga komento, tanong at mungkahi, paki-email ang ovcca.updiliman@up.edu.ph.