Wika bilang Tunggalian ng Kapangyarihan: Ang Critical Discourse Analysis bilang Lapit sa Pagsusuring Sosyo-Kultural
Date: Nov 19 | 9:00 AM - 5:00 PMAng panayam na “Wika bilang Tunggalian ng Kapangyarihan: Ang Critical Discourse Analysis bilang Lapit sa Pagsusuring Sosyo-Kultural” ay gaganapin sa Nobyembre 19, Sabado, 9 n.u.-5 n.h. sa pamamagitan ng Zoom.
Ito ay ikalawang bahagi ng proyektong “Pasinatì: Pagsasanay sa Wika, Teorya, at Metodolohiya” ng UP Diliman (UPD) Sentro ng Wikang Filipino (SWF), sa pakikipagtulungan sa UPD Office for Initiatives in Culture and the Arts.
Upang makilahok, magrehistro lamang sa https://bit.ly/Pasinati2OnlineReg o sa pamamagitan ng pag-scan sa QR code na nasa poster.