Calendar of Events
Inaanyayahan ang lahat na dumalo sa pagpapalabas ng pelikulang “Onoda: 10,000 Nights in the Jungle” ni Arthur Harari at mga panayam sa Biyernes, Hunyo 7, 2 n.h., sa Videothéque, 2nd Floor ng UP Film Institute Film Center.
Ito ay handog ng Embahada ng Pransya at UP Diliman (UPD) Departamento ng Kasaysayan, katuwang ang UP Lipunang Pangkasaysayan.
Bago ang pagpapalabas, bibigyang-konteksto at ipapakilala ni Ricardo T. Jose, PhD ng UPD Departamento ng Kasaysayan ang pelikula. Sa pagtatapos naman ng pagpapalabas-pelikula ay magkakaroon ng panayam si Anthony S. Ferido, isang military historian sa Pilipinas.
Sa mga nais dumalo, magrehistro lamang isang oras bago ang palabas.
Ang aktibidad na ito ay bahagi ng paggunita sa ika-80 anibersaryo ng D-Day landing at ng Ikalawang Digmaang Pandaigdig.