Namumulitika? O Kung Paano Pag-aralan ang Pakikilahok sa Politika
Date: Apr 24 | 4:30 PM - 6:30 PMInaanyayahan ang lahat na dumalo sa panayam na “Namumulitika? O Kung Paano Pag-aralan ang Pakikilahok sa Politika” na gaganapin sa Abril 24, Huwebes, 4:30 n.h.–6:30 n.g., sa Room 304, Lagmay Hall, UP Diliman (UPD).
Ang tagapagsalita ay si Francis Simonh M. Bries, PhD, katuwang na propesor ng UPD Department of Psychology (DPsych).
Sa mga nais dumalo, magpatala lamang sa https://bit.ly/AMAPolitika.
Ito ay bahagi ng “Asuncion Miteria Austria Professorial Chair Lecture” na inorganisa ng DPsych, katuwang ang UPD Social Psychology Research and Innovations Group.