Mga katangi-tanging mag-aaral, pinarangalan
Mahigit 8,000 mag-aaral at anim na samahang mag-aaral ng UP Diliman (UPD) ang binigyang-pugay sa Parangal sa Mag-aaral 2025 (PSM 2025). Ang PSM 2025 ay inorganisa ng Opisina ng Bise Tsanselor para sa mga Gawaing Pangmag-aaral (Office of the Vice Chancellor for Student Affairs / OVCSA) bilang bahagi ng pagdiriwang ng UPD Linggo ng Parangal 2025 (LnP 2025). […]