Panatilihin at Pagyamanin ang Wikang Filipino at Panitikan sa Kolehiyo
Pahayag ng UP Diliman University Council
Walang bansang umuunlad nang walang sariling wika at panitikan. Nagkakaisa kaming tumitindig at nagpapahayag na dapat manatili – at patuloy na paunlarin – ang Wikang Filipino at Panitikan bilang mga batayang kurso sa General Education Curriculum sa kolehiyo. Naniniwala kami na napakahalaga ng wikang Filipino at panitikan sa pagpapalalim ng mapanuri, malikhain, malaya, at mapagpalayang […]