Campus

UP Diliman Seremonya ng Pagtataas ng Bandila ng Pilipinas – Mayo 2, 2022

Panoorin ang birtuwal na seremonya ng pagtataas ng bandila ng Pilipinas sa UP Diliman (UPD) ngayong Lunes, Mayo 2, 8:00 n.u.

Pakinggan natin ang mensahe ni Bise Tsanselor para sa Pananaliksik at Pagpapaunlad Gonzalo A. Campoamor II para sa paggunita ng Pandaigdigang Araw ng Paggawa at pagdadaos ng pambansang halalan ngayong buwan. Sama-sama rin nating tunghayan ang mensahe ni Dr. Myrissa Melinda Lacuna-Alip, direktor ng UP Health Service, bilang pakikiisa ng UPD sa Cervical Cancer Awareness Month at Hypertension Awareness Month ngayong Mayo.