

Mayroong 340 aktibong kaso ng COVID-19 sa UP Diliman at Barangay UP Campus ngayong Enero 20. Ang mga purok o komunidad sa UP Campus kung nasaan ang mga aktibong kaso ay nasa mapang kasama sa stat report na gawa ng Special Committee ng UP Diliman COVID-19 Task Force.
Muling ipinapaalala sa lahat ang kahalagahan ng pagsunod sa mga pangkalusugang protokol upang protektahan ang ating mga sarili laban sa COVID-19. Hangga’t maaari ay manatili sa ating mga tahanan upang maiwasan ang paglaganap ng sakit na ito. Mag-isolate kapag nakakaramdam ng mga sintomas. Sa mga hindi pa nababakunahan at sa mga maaari nang tumanggap ng booster shot laban sa COVID-19, makipag-ugnayan sa lokal na pamahalaan hinggil sa iskedyul ng pagbabakuna.