Mayroong 46 na aktibong kaso ng COVID-19 sa UP Diliman at Barangay UP Campus ngayong Pebrero 4. Ang mga purok o komunidad sa UP Campus kung nasaan ang mga aktibong kaso ay nasa mapang kasama sa stat report na gawa ng Special Committee ng UP Diliman COVID-19 Task Force.
Laging tandaan ang kahalagahan ng pagsunod sa mga pangkalusugang protokol upang maprotektahan ang ating mga sarili. Sa mga kinakailangang mag-isolate, sundin lamang ang payo ng mga eksperto hinggil sa mga maaaring gawin para sa mga sintomas ng COVID-19 habang naka-isolate sa bahay. Hinihikayat din ang mga hindi pa nababakunahan at sa mga maaari nang tumanggap ng booster shot laban sa COVID-19 na makipag-ugnayan sa lokal na pamahalaan hinggil sa iskedyul ng pagbabakuna. Nawa’y patuloy tayong magtulungan upang mas mapababa ang bilang ng mga aktibong kaso sa ating komunidad.