Ngayong Pebrero 24, mayroong siyam na aktibong kaso ng COVID-19 sa UP Diliman at Barangay UP Campus. Ang mga purok o komunidad sa UP Campus kung nasaan ang mga aktibong kaso ay nasa mapang kasama sa stat report na gawa ng Special Committee ng UP Diliman COVID-19 Task Force.
Ang laban kontra COVID-19 ay nagpapatuloy kaya hinihikayat ang lahat na pangalagaan ang kalusugan. Bukod sa pagsunod sa mga pangkalusugang protokol ay kumuha rin ng mga wastong impormasyon mula sa mga eksperto. Kung may nararamdamang sintomas, agad na mag-isolate at kumonsulta sa doktor o sa health center sa inyong barangay. Sa mga hindi pa nababakunahan at sa mga maaari nang tumanggap ng booster shot laban sa COVID-19, makipag-ugnayan sa lokal na pamahalaan hinggil sa iskedyul ng pagbabakuna.