![](https://upd.edu.ph/wp-content/uploads/2021/12/upd-weekly-report-30Dec2021.jpg)
![](https://upd.edu.ph/wp-content/uploads/2021/12/upd-weekly-report-30Dec2021-map.jpg)
Ngayong Disyembre 30, mayroong naitalang apat na aktibong kaso ng COVID-19 sa UP Diliman at Barangay UP Campus. Ang mga purok o komunidad sa UP Campus kung nasaan ang mga aktibong kaso ay nasa mapang kasama sa stat report na gawa ng Special Committee ng UP Diliman COVID-19 Task Force.
Sa mga gaganaping pagdiriwang sa pagsalubong sa 2022, pag-ibayuhin ang pagsunod sa mga pangkalusugang protokol upang maging ligtas mula sa COVID-19. Pinapayuhan din ang lahat ng mga hindi pa nababakunahan at ang mga maaari ng tumanggap ng booster shot laban sa COVID-19 na makipag-ugnayan sa lokal na pamahalaan hinggil sa iskedyul ng pagbabakuna.