Bulletin

UP Diliman COVID-19 Task Force Weekly Report (December 22, 2021)

Ngayong Disyembre 22, walang naitalang aktibong kaso ng COVID-19 sa UP Diliman at Barangay UP Campus batay sa stat report na gawa ng Special Committee ng UP Diliman COVID-19 Task Force.

Sa pagdiriwang ng Kapaskuhan, mahigpit na pinapayuhan ang lahat na sumunod pa rin sa mga pangkalusugang protokol upang manatili tayong ligtas sa anumang panganib na dulot ng COVID-19. Patuloy ring makipag-ugnayan sa inyong lokal na pamahalaan hinggil sa pagpapabakuna bilang dagdag na proteksyon laban sa COVID-19.