![](https://upd.edu.ph/wp-content/uploads/2021/12/upd-weekly-report-2DEC2021.jpg)
![](https://upd.edu.ph/wp-content/uploads/2021/12/upd-weekly-report-2DEC2021-map.jpg)
Mayroong limang aktibong kaso ng COVID-19 sa UP Diliman at Barangay UP Campus ngayong Disyembre 2. Ang mga purok o komunidad sa UP Campus kung nasaan ang mga aktibong kaso ay nasa mapang kasama sa stat report na gawa ng Special Committee ng UP Diliman COVID-19 Task Force.
Maigting na ipinapaalala sa lahat na nakaamba pa rin ang panganib na dulot ng COVID-19. Panatilihing nakataas ang ating mga depensa sa lahat ng oras at pangalagaan ang ating kalusugan. Patuloy ring sundin ang mga pangkalusugang protokol at makipag-ugnayan sa inyong lokal na pamahalaan hinggil sa pagpapabakuna.