Bulletin

UP Diliman COVID-19 Task Force Weekly Report (December 16, 2021)

Walang naitalang aktibong kaso ng COVID-19 sa UP Diliman at Barangay UP Campus ngayong Disyembre 16 batay sa stat report na gawa ng Special Committee ng UP Diliman COVID-19 Task Force.

Upang mapanatiling ligtas ang ating komunidad sa banta ng COVID-19, huwag kalilimutan ang kahalagahan ng pagsunod sa mga pangkalusugang protokol lalo na sa pagdiriwang ng Kapaskuhan ngayong Disyembre. Patuloy ding makipag-ugnayan sa inyong lokal na pamahalaan hinggil sa pagpapabakuna bilang dagdag na proteksyon laban sa COVID-19.