Ngayong Mayo 27 ay mayroong 42 na aktibong kaso ng COVID-19 sa UP Diliman at Barangay UP Campus. Ang mga purok o komunidad sa UP Campus kung nasaan ang mga aktibong kaso ay nasa mapang kasama sa stat report na gawa ng Special Committee ng UP Diliman COVID-19 Task Force.
Ibayong pag-iingat pa rin ang kinakailangan upang patuloy na maibaba ang bilang ng mga aktibong kaso. Tandaan natin na hindi pa rin tapos ang laban kontra sa COVID-19.
Mahigpit pa ring sundin ang mga pangkalusugang protokol – magsuot ng face mask at face shield, ugaliing maghugas ng mga kamay at panatilihin ang physical distancing nang hindi bababa sa dalawang metro ang layo.
Pangalagaan natin ang ating mga sarili at mga mahal sa buhay.
Sa ating pagtutulungan at pagkakaisa, kaya nating lampasan ang COVID-19.