Bulletin

UP Diliman COVID-19 Task Force Weekly Report as of May 13, 2021


Ngayong Mayo 13 ay mayroong 80 aktibong kaso ng COVID-19 sa UP Diliman at Barangay UP Campus. Ang mga purok o komunidad sa UP Campus kung nasaan ang mga aktibong kaso ay nasa mapang kasama sa stat report na gawa ng Special Committee ng UP Diliman COVID-19 Task Force.

Muling ipinapaalala sa lahat na doblehin natin ang pag-iingat upang patuloy na maibaba ang bilang ng mga aktibong kaso. Tandaan natin na ang laban kontra COVID-19 at sa ibang variants nito ay hindi pa tapos.

Huwag nating ibababa ang ating mga depensa sa lahat ng oras. Mahigpit pa ring sundin ang mga pangkalusugang protokol – magsuot ng face mask at face shield, ugaliing maghugas ng mga kamay at panatilihin ang physical distancing nang hindi bababa sa dalawang metro ang layo. Iwasan muna ang pag-uumpukan o gathering. Manatili sa tahanan at lumabas lang kung talagang kailangan.

Pangalagaan natin ang ating mga sarili at mga mahal sa buhay.

Sa ating pagtutulungan at pagkakaisa, kaya nating lampasan ang COVID-19.