UP Diliman COVID-19 Task Force Weekly Report as of March 18, 2021


Ngayong Marso 18 ay mayroong 51 aktibong kaso ng COVID-19 sa UP Diliman at Barangay UP Campus. Ang mga purok o komunidad sa UP Campus kung nasaan ang mga aktibong kaso ay nasa mapang kasama sa stat report na gawa ng Special Committee ng UP Diliman COVID-19 Task Force.

Doblehin natin ang ating pag-iingat upang maibaba ang bilang ng mga aktibong kaso. Ang laban kontra sa COVID-19 at sa ibang variants nito ay hindi pa tapos.

Hinihikayat ang lahat na huwag nating ibababa ang ating mga depensa sa lahat ng oras. Mahigpit pa ring sundin ang mga pangkalusugang protokol – magsuot ng face mask at face shield, ugaliing maghugas ng mga kamay at panatilihin ang physical distancing nang hindi bababa sa dalawang metro ang layo.

Pangalagaan natin ang ating mga sarili at mga mahal sa buhay.

Sa ating pagtutulungan at pagkakaisa, kaya nating lampasan ang COVID-19.

Posted: March 18, 2021 16:45