Bulletin

UP Diliman COVID-19 Task Force Weekly Report as of June 17, 2021

Mayroong 38 aktibong kaso ng COVID-19 sa UP Diliman at Barangay UP Campus ngayong Hunyo 17. Ang mga purok o komunidad sa UP Campus kung nasaan ang mga aktibong kaso ay nasa mapang kasama sa stat report na gawa ng Special Committee ng UP Diliman COVID-19 Task Force.

Muling ipinapaalala sa lahat na doblehin natin ang pag-iingat upang maibaba ang bilang ng mga aktibong kaso. Tandaan natin na ang laban kontra COVID-19 at sa ibang variants nito ay hindi pa tapos. Naririyan pa rin ang banta ng panganib dulot ng sakit na ito.

Huwag nating ibababa ang ating mga depensa sa lahat ng oras. Mahigpit pa ring sundin ang mga pangkalusugang protokol – magsuot ng face mask at face shield, ugaliing maghugas ng mga kamay gamit ang sabon at tubig o gumamit ng alkohol o hand sanitizer, at panatilihin ang physical distancing nang hindi bababa sa dalawang metro ang layo. Iwasan muna ang pag-uumpukan o gathering. Manatili sa tahanan at lumabas lang kung talagang kailangan.

Pangalagaan natin ang ating mga sarili at mga mahal sa buhay.

Magkaisa at magtulungan tayong lahat upang mapagtagumpayan natin ang COVID-19.

  • Share:
Tags: