Bulletin

UP Diliman COVID-19 Task Force Weekly Report as of July 29, 2021

Mayroong 45 aktibong kaso ng COVID-19 sa UP Diliman at Barangay UP Campus ngayong Hulyo 29. Ang mga purok o komunidad sa UP Campus kung nasaan ang mga aktibong kaso ay nasa mapang kasama sa stat report na gawa ng Special Committee ng UP Diliman COVID-19 Task Force.

Ang bilang ng aktibong kaso ngayong linggong ito na 45 ay higit sa doble noong nakaraang linggo na 21 aktibong kaso. Mahigpit na ipinapaalala sa lahat na ang lubos na pag-iingat ay kailangan upang maibaba ang bilang ng mga aktibong kaso sa ating komunidad. Ang laban kontra COVID-19, lalo na sa ibang variants nito, ay hindi pa tapos. Nakaamba pa rin ang panganib dulot ng sakit na ito.

Para sa ating kaligtasan, panatilihing nakataas ang ating mga depensa sa lahat ng oras. Huwag kaligtaang sundin ang mga pangkalusugang protokol — magsuot ng face mask at face shield, ugaliing maghugas ng mga kamay gamit ang sabon at tubig o gumamit ng alkohol o hand sanitizer, at panatilihin ang physical distancing nang hindi bababa sa dalawang metro. Iwasan muna ang pag-uumpukan o gathering. Manatili sa tahanan at lumabas lang kung talagang kailangan.

Maging bahagi nawa tayo ng solusyon, hindi ng problema. Protektahan natin ang ating mga sarili at mga mahal sa buhay. Kung hindi pa bakunado ay magpabakuna na.

Magkaisa tayo at magtulungan upang mapagtagumpayan ang laban kontra COVID-19.

  • Share:
Tags: