Ngayong Hulyo 22 ay mayroong 21 aktibong kaso ng COVID-19 sa UP Diliman at Barangay UP Campus. Ang mga purok o komunidad sa UP Campus kung nasaan ang mga aktibong kaso ay nasa mapang kasama sa stat report na gawa ng Special Committee ng UP Diliman COVID-19 Task Force.
Mariing ipinapaalala sa lahat na doblehin ang pag-iingat upang maibaba ang bilang ng mga aktibong kaso sa ating komunidad. Ang laban kontra COVID-19, lalo na sa ibang variants nito, ay hindi pa tapos. Nakaamba pa rin ang panganib dulot ng sakit na ito.
Panatilihing nakataas ang ating mga depensa sa lahat ng oras. Huwag kaligtaang sundin ang mga pangkalusugang protokol — magsuot ng face mask at face shield, ugaliing maghugas ng mga kamay gamit ang sabon at tubig o gumamit ng alkohol o hand sanitizer, at panatilihin ang physical distancing nang hindi bababa sa dalawang metro. Iwasan muna ang pag-uumpukan o gathering. Manatili sa tahanan at lumabas lang kung talagang kailangan.
Protektahan natin ang ating mga sarili at mga mahal sa buhay. Ang kalusugan ay pangalagaan upang ang mga sakit ay maiwasan.
Magkaisa tayo at magtulungan upang mapagtagumpayan ang laban kontra COVID-19.