Bulletin

UP Diliman COVID-19 Task Force Weekly Report as of July 15, 2021

 

Mayroong 19 na aktibong kaso ng COVID-19 sa UP Diliman at Barangay UP Campus ngayong Hulyo 15. Ang mga purok o komunidad sa UP Campus kung nasaan ang mga aktibong kaso ay nasa mapang kasama sa stat report na gawa ng Special Committee ng UP Diliman COVID-19 Task Force.

Muling ipinapaalala sa lahat na ibayong pag-iingat ang kinakailangan upang maibaba ang bilang ng mga aktibong kaso sa ating komunidad. Ang laban kontra COVID-19, lalo na sa ibang variants nito, ay hindi pa tapos. Nakaamba pa rin ang panganib dulot ng sakit na ito.

Panatilihing nakataas ang ating mga depensa sa lahat ng oras. Huwag kaligtaang sundin ang mga pangkalusugang protokol — magsuot ng face mask at face shield, ugaliing maghugas ng mga kamay gamit ang sabon at tubig o gumamit ng alkohol o hand sanitizer, at panatilihin ang physical distancing nang hindi bababa sa dalawang metro. Iwasan muna ang pag-uumpukan o gathering. Manatili sa tahanan at lumabas lang kung talagang kailangan.

Tandaan na ang kalusugan ay kayamanan. Protektahan natin ang ating mga sarili at mga mahal sa buhay.

Magkaisa tayo at magtulungan upang mapagtagumpayan ang laban kontra COVID-19.

  • Share:
Tags: