UP DIliman COVID-19 Task Force Weekly Report as of February 4, 2021


Mayroong 13 aktibong kaso ng COVID-19 sa UP Diliman at Barangay UP Campus ngayong Pebrero 4. Ang mga purok o komunidad sa UP Campus kung nasaan ang mga aktibong kaso ay nasa mapang kasama sa stat report na gawa ng Special Committee ng UP Diliman COVID-19 Task Force.

Ibayong pag-iingat pa rin ang kinakailangan upang tuloy-tuloy na maibaba ang bilang ng mga aktibong kaso. Tandaan natin na hindi pa tapos ang laban kontra sa COVID-19. Mahigpit pa ring sundin ang mga pangkalusugang protokol – magsuot ng face mask at face shield, ugaliing maghugas ng mga kamay at panatilihin ang physical distancing. Nawa’y alagaan natin ang ating mga sarili at mga mahal sa buhay.

Tulong-tulong tayo at magkaisa upang bumuti ang sitwasyon at malagpasan natin ang COVID-19.

Posted: February 4, 2021 17:47