Mayroong 17 aktibong kaso ng COVID-19 sa UP Diliman at Barangay UP Campus ngayong Pebrero 18. Ang mga purok o komunidad sa UP Campus kung nasaan ang mga aktibong kaso ay nasa mapang kasama sa stat report na gawa ng Special Committee ng UP Diliman COVID-19 Task Force.
Patuloy po tayong mag-iingat upang tuloy-tuloy na maibaba ang bilang ng mga aktibong kaso. Tandaan natin na hindi pa tapos ang laban kontra sa COVID-19. Huwag nating ibaba ang ating mga depensa at mahigpit pa ring sundin ang mga pangkalusugang protokol – magsuot ng face mask at face shield, ugaliing maghugas ng mga kamay at panatilihin ang physical distancing. Nawa’y alagaan natin ang ating mga sarili at mga mahal sa buhay.
Sa ating pagtutulungan at pagkakaisa, kaya nating lampasan ang COVID-19.