UP DIliman COVID-19 Task Force Weekly Report as of February 11, 2021

Ngayong Pebrero 11 ay may 28 aktibong kaso ng COVID-19 sa UP Diliman at Barangay UP Campus. Ang mga purok o komunidad sa UP Campus kung nasaan ang mga aktibong kaso ay nasa mapang kasama sa stat report na gawa ng Special Committee ng UP Diliman COVID-19 Task Force.

Patuloy po tayong mag-iingat upang maibaba ang bilang ng mga aktibong kaso. Tandaan natin na hindi pa tapos ang laban kontra sa COVID-19. Mahigpit pa ring sundin ang mga pangkalusugang protokol – magsuot ng face mask at face shield, ugaliing maghugas ng mga kamay at panatilihin ang physical distancing. Nawa’y alagaan natin ang ating mga sarili at mga mahal sa buhay.

Sa ating pagtutulungan at pagkakaisa, kaya nating lampasan ang COVID-19.

Posted: February 11, 2021 18:10