Bulletin

UP Diliman COVID-19 Task Force Weekly Report (August 12, 2021)

Mayroong 45 aktibong kaso ng COVID-19 sa UP Diliman at Barangay UP Campus ngayong Agosto 12. Ang mga purok o komunidad sa UP Campus kung nasaan ang mga aktibong kaso ay nasa mapang kasama sa stat report na gawa ng Special Committee ng UP Diliman COVID-19 Task Force.

Mahigpit na ipinapaalala sa lahat na dobleng pag-iingat ang kinakailangan upang maibaba ang bilang ng mga aktibong kaso sa ating komunidad. Ang laban kontra COVID-19 ay hindi pa tapos. Malaking panganib ang dulot nito sa ating kalusugan.

Para sa ating kaligtasan, panatilihing nakataas ang ating mga depensa sa lahat ng oras. Huwag kaligtaang sundin ang mga pangkalusugang protokol — magsuot ng face mask at face shield, ugaliing maghugas ng mga kamay gamit ang sabon at tubig o gumamit ng alkohol o hand sanitizer, at panatilihin ang physical distancing nang hindi bababa sa dalawang metro. Iwasan muna ang pag-uumpukan o gathering. Manatili sa tahanan at lumabas lamang kung talagang kailangan.

Patuloy na hinihikayat ang lahat na magpabakuna upang magkaroon ng dagdag na proteksyon laban sa COVID-19. Tiyakin din nating tayo ay kumukuha ng impormasyon mula lamang sa mga eksperto.

Pangalagaan natin ang ating mga sarili at mga mahal sa buhay.

Magkaisa at magtulungan tayo upang mapagtatagumpayan natin ang laban kontra COVID-19.

  • Share:
Tags: