Mayroong 35 na aktibong kaso ng COVID-19 sa UP Diliman at Barangay UP Campus ngayong Enero 21, 2021. Ang mga purok o komunidad sa UP Campus kung nasaan ang mga aktibong kaso ay nasa mapang kasama sa stat report na gawa ng Special Committee ng UP Diliman COVID-19 Task Force.
Ibayong pag-iingat pa rin ang kinakailangan upang tuloy-tuloy na maibaba ang bilang ng mga aktibong kaso. Tandaan natin na hindi pa rin tapos ang laban kontra sa COVID-19. Mahigpit pa ring sundin ang mga pangkalusugang protokol – magsuot ng face mask at face shield, ugaliing maghugas ng mga kamay at panatilihin ang physical distancing. Nawa’y alagaan natin ang ating mga sarili at mga mahal sa buhay.
Tulong-tulong tayo at magkaisa upang bumuti ang sitwasyon at malagpasan natin ang COVID-19.