Ngayong Enero 14 ay mayroong 40 na aktibong kaso ng COVID-19 sa UP Diliman at Barangay UP Campus. Ang mga purok o komunidad sa UP Campus kung nasaan ang mga aktibong kaso ay nasa mapang kasama sa stat report na gawa ng Special Committee ng UP Diliman COVID-19 Task Force.
Ibayong pag-iingat pa rin ang kinakailangan upang maibaba ang bilang ng mga aktibong kaso. Tandaan natin na hindi pa rin tapos ang laban kontra sa COVID-19. Mahigpit pa ring sundin ang mga pangkalusugang protokol – magsuot ng face mask at face shield, ugaliing maghugas ng mga kamay at panatilihin ang physical distancing. Nawa’y alagaan natin ang ating mga sarili at mga mahal sa buhay.
Huwag mawawalan ng pag-asa. Sa ating pagkakaisa, bubuti rin ang sitwasyon at malalagpasan natin ang COVID-19.